I Bleed BLUE!

/
0 Comments
Aking nabanggit sa isa kong article dito sa aking blog ang kalakihan ng pagbabago ng University of Sto. Tomas. Hindi natin maitatanggi na sobrang laki ng pagbabagong nangyari sa institusyong yaon. Ngunit huwag natin kalimutan ang aking unang pinag-kolehiyohan, ang Ateneo Municipal de Manila na sa pangalan pa lang ay nagbago na. At the moment, tinatawag itong AdMU na ang ibig sabihin ay Ateneo de Manila University.

Noong uso pa ako, (uso pa rin naman, pero ang meaning nyan, noong ako'y nabubuhay pa, ginawa kong uso para cool) ang unibersidad ay makikita pa natin sa Intramuros. Ngayon. nasa Katipunan na! Ay, pagkalayo naman ng nilakbay ng Ateneo, ano?

Ito ang dalawang litrato mula sa aking baul.






Diyan ko tinahak ang arts and letters.  Noong una'y kabilang ako sa Carthagena dahil ako'y nakatira pa sa labas ng Intramuros, ngunit naging Romano din dahil ako ay nagdorm. Sosyal! Sa aking pagtatapos rito ay nakamit ko ang limang medalya, isang malaking tulong ang tinatanaw ko kay Padre Francisco de Paula Sanchez, dahil sa kaniya, ginanahan lalo ako magsikap sa pagaaral.


At ito naman ang Ateneo ngayon.





Ang ganda, hindi ba? Hindi lamang iyan! May Rizal Library din sila! Ang gwapo ko naman talaga!



Maraming maraming salamat, Ateneo. Di ka malilimot ng gwapong katulad ko! Ciao!



You may also like

Walang komento: