El Filibusterismo

/
0 Comments
“Lagi na lamang tayong natatakot sa multo ng pilibusterismo na dahil lamang sa pagsasalaysay ng isang tagapa-alaga ay naging positibo at totoong nilalang, na sa ngalan pa lamang ay gumagawa na tayo ng napakalaking kathang kuwento nang sa gayon ay hindi makatagpo ang kinatatakutan.  Sa halip na lumisan, harapin natin ito, at nang may kamay na determinasyon, kahit walang kasanayan, at tatanggalin natin ang belo nito sa harap ng sangkatauhan nang mailantad ang kabuuan nito.”
·         pinamagatan ni Rizal dahil na rin sa mga pangunahing katangiang pilibustero ng mahahalagang tauhan nito, lalo na si Simoun.

·         ang katagang pilibustero ay ginamit sang-ayon sa kanyang kahulugan noong ika-19 na dantaon, sampu ng katangian nitong lubhang liberal, salungat sa mga klerigo (mapanghimagsik at mamamatay-tao)

photo by: http://sumthinblue.com/wp-content/uploads/2011/06/IMG_6060.jpg

EL FILIBUSTERISMO
sinimulan sa Calamba noong 1887
natapos sa Biarritz noong 1891
nalimbag sa Ghent (Belgium)
sa tulong ni Valentin Ventura
- binigyan ng orihinal na manuskrito
inalis ang Paunang Salita at Babala
- binura ang 47 pahina
may kabuuang 38 na kabanata
inihandog sa GOMBURZA
ipinadala ang mga unang sipi kina Blumentritt, Ponce, Jaena, Pardo de Tavera, magkapatid na Luna
nobelang pulitikal
gawa mula sa isip
Kabanata 1: Bapor Tabo
Pangunahing Tauhan: Simoun
Tagapayo sa Nobela: Padre Florentino

Mga Tauhan:  

Simoun

Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

Isagani

Ang makatang kasintahan ni Paulita
  
Basilio

Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang Tales

Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle


Tandang Selo

Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong Pasta

Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-zayb

Ang mamamahayag sa pahayagan

Placido Penitente

Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

Padre Camorra

Ang mukhang artilyerong pari

Padre Fernandez

Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino

Ang amain ni Isagani

Don Custodio

Ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene

Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez

Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

Makaraig

Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval

Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina

Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

Paulita Gomez

Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

Quiroga

Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

Juli

Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana Bali

Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana Penchang

Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong Leeds

Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

Imuthis

Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

Credits to: PAGSUSURI NG 2 NOBELA.docx · version 1 by Mrs. Lianne Javier
                   http://www.joserizal.ph/fi02.html





Walang komento: