Napakamalikhain naman ng mga kabataang ito. Gumawa sila ng bagong kanta mula sa tono ng "Tuloy Pa Rin". Ang lumikha ng orihinal na kanta ay si Ito Rapadas at ito'y kinanta ng Neocolours at mayroon ding bersyon si Noel Cabangon.. Pinalitan nila ang lyrics upang iugnay sa mga naiambag ko sa lipunan. Makikita sa music video ang naging buhay ko nun sa Dapitan. Ang pagtuturo ko sa kabataan, paggamot ng maysakit at maging ang pag-alala ko kay Leonor matapos siyang mamatay ay nandito rin. Pero ang pinakanagustuhan ko sa lahat ay ang mga scene namin ni Josephine dahil ang tagal na palang panahon ang lumipas mula nung makita ko siya.

Composed by: Beatrice Organo and Justine Patron
Sung by: Beatrice Organo

Venue: San Mateo, Rizal
Lorenzo Madriaga as Jose Rizal
Jamie Hernando as Josephine Bracken
Beatrice Organo as Leonor Rivera
Laurence Espenido as Fr. Obach
Mikaela Villaluna as Donya Teodora
Allen Bañez as Batang Jose at G. Carnicero
Allyzon Abastillas as batang maysakit
Reinar Peralta as George Taufer
John Briones as Guardia Sibil

Directed and Captured by: Justine Patron and Ernest Obiena


Panoorin niyo rin dahil tiyak na matutuwa kayo sa mga kabataan ito na di pa rin nalilimutan ang mga turo ko sapagkat "Tuloy Pa Rin" ang laban nating lahat hindi lamang sa kurapsyon, kahirapan at kamangmangan. Tuloy pa rin ang buhay natin bilang isang mabuting mamamayan ng Pilipinas.




Mahirap gampanan ang pagiging isang bayani.  Marami silang sinasaliksik sa buhay ko, oo hanggang ngayon ay may nananaliksik pa rin tungkol sa mga totoong kaganapan sa buhay ko. Ngunit napaka sarap sa pakiramdam ang matawag na isang bayani dahil sa pagtatanggol ko sa aking inang bayan, ang Pilipinas.

Ako, bilang si Jose Rizal na bayani, alam kong marami akong nagawa para sa bayan. Masaya akong naglingkod, at masaya akong may mga kabataang tumatahak ng landas ko. Ngunit para sa akin, mga munting kaibigan, kung tutularan niyo ako, tularan niyo ako sa ibang paraan. Gumawa kayo ng sarili niyong paraan para maipakita ang pagmamahal sa bansa upang umunlad ito.

Ngunit bakit nga ba patuloy ang pag lugmok ng ekonomiya natin? Alam ko, bata. Ito ay dahil sa mga taong nasa posisyon ngunit ginagamit ang kanilang power para sa pangungurakot. At kaya sila nangungurakot ay dahil sa kulang na pagmamahal sa Pilipinas. Ang tanging minamahal nila ay ang sarili at mga luho nila. Sila na dapat na unang unang maging bayani ng sariling bayan, sila ang kulang sa pagtangkilik sa sariling produkto.

Oo, hindi ang Amerikano ang may kasalanan, hindi ang mga Tsino, hindi ang mga Hapon, at lalo't higit hindi dahil sa pagsakop sa atin ng Espanya sa napakatagal na panahon. Ngunit ito ay dahil sa atin mismo. Sa ating mga Pilipino. Hindi sa nilalahat ko, pero ang nais ko lang naman ay mabuksan ang inyong mga mata lalung lalo na ang inyong mga puso sa pagmamahal ng totoo sa Perlas ng Silangan.

Sa inyo, mga avid readers ko, sana naman ay mahalin niyo ang bansa ng sapat. Upang hindi ito makurakot. Upang hindi tayo makurakot. Upang hindi tayo mangurakot.

Hanggang sa muli, kaibigan. Paalam.
May ilang araw nang nakalipas, nagbabasa ako ng iba't-ibang artikulo sa internet at meron akong nakitang nakakuha ng aking atensyon. Ito ay ang tungkol sa karakter na si Josie Rizal. 


Ayon sa aking nabasang artikulo, si Josie Rizal ay isang karakter mula sa laro ngayong henerasyong tinatawag na Tekken. Nang ako'y masaliksik kung ano ang larong ito, ang Tekken daw ay isang laro na nagmula sa bansang Hapon. Ito ay isang "combat tournament" na nagtatampok ng iba't-ibang mga karakter na ibinase sa kultura ng iba't-ibang bansa.

Ang pangalang Josie Rizal daw ay ibinase sa aking ngalan na Jose Rizal. Ang galing hindi ba? Sabi ng gumawa sa kaniya, siya raw ay galing sa Pilipinas at ang gamit niyang matial art ay eskrima at kickboxing. Ang kulay ng kaniyang damit naman ay base daw sa kulay ng ating watawat.

Sa aking mga sumunod na pagsasaliksik, may mga balita namang nagsasabi na dahil daw sa isang organisayon ngayon dito sa ating bayan (NCCA) ay tatangalin daw siya sa larong ito sa kadahilanang ginagamit daw nito ang aking pangalan.

Para sa akin hindi ito dapat gawing isyu. Pwede natin itong tignan sa ibang paraan na kung saan ay mapakikinabangan ng ating bayan. Malay natin maging kilala ang eskrima dahil dito. Ang tanging masasabi ko sa mga bumabatikos dito ay huwag na itong pansinin dahil, sa nakikita ko, mas marami pang ibang masmahalagang problema ang kinakaharap ng ating bayan na maskinakailangan ng pansin tulad ng isyu tungkol sa pagkuha ng bansang Tsina sa ilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. Ang mga isyung tulad nito ang mas may kailangan ng pansin hindi lang ng gobyerno pati na rin ng buong sambayanang Pilipino.

Kung gusto niyo ng ebidensiya na buhay pa ako kayo na ang humusga. Sabi ng ibang nga Rizalista ay namuhay na raw ako sa bundok kasama ang mga diwata. Oo kapag hinabol ka ba naman ng ganito talagang magtatago ka sa mga kabundukan. Buti na lang malakas ang WiFi signal dito updated pa rin ako sa mga nangyayari sa labas ng bahay ko. Dahil sa video na ito malamang naman hindi na kayo magtataka pa. Si Rizal ay nabubuhay pa rin at ipagpapatuloy niya ang nasimulan niya, mga nasimulan ko, nasimulan nating lahat at kapag nangyari yun ewan ko na lang kung di pa umunlad ang Pilipinas kapag sama-sama syempre mas masaya, mas produktibo at mas giginhawa tayo.
Aking nabanggit sa isa kong article dito sa aking blog ang kalakihan ng pagbabago ng University of Sto. Tomas. Hindi natin maitatanggi na sobrang laki ng pagbabagong nangyari sa institusyong yaon. Ngunit huwag natin kalimutan ang aking unang pinag-kolehiyohan, ang Ateneo Municipal de Manila na sa pangalan pa lang ay nagbago na. At the moment, tinatawag itong AdMU na ang ibig sabihin ay Ateneo de Manila University.

Noong uso pa ako, (uso pa rin naman, pero ang meaning nyan, noong ako'y nabubuhay pa, ginawa kong uso para cool) ang unibersidad ay makikita pa natin sa Intramuros. Ngayon. nasa Katipunan na! Ay, pagkalayo naman ng nilakbay ng Ateneo, ano?

Ito ang dalawang litrato mula sa aking baul.






Diyan ko tinahak ang arts and letters.  Noong una'y kabilang ako sa Carthagena dahil ako'y nakatira pa sa labas ng Intramuros, ngunit naging Romano din dahil ako ay nagdorm. Sosyal! Sa aking pagtatapos rito ay nakamit ko ang limang medalya, isang malaking tulong ang tinatanaw ko kay Padre Francisco de Paula Sanchez, dahil sa kaniya, ginanahan lalo ako magsikap sa pagaaral.


At ito naman ang Ateneo ngayon.





Ang ganda, hindi ba? Hindi lamang iyan! May Rizal Library din sila! Ang gwapo ko naman talaga!



Maraming maraming salamat, Ateneo. Di ka malilimot ng gwapong katulad ko! Ciao!

May mga gumagawa din pala ng app na nakapangalan sa akin at tungkol din sa akin. Ang "Pepeng Bayani" ay ginawa bilang proyekto upang mas palawakin pa ang kaalaman nang nakakarami sa buhay ko at sa aking mga akda.  Pati yung mga kasabihan ko nakalagay na din dito nakakatuwa naman kasi binibigyan din nila ng pansin ang mga kasabihan ko.




































Maaari niyong idownload angg app na ito dito >>>> Download Here



“To be happy does not mean to indulge in foolishness!” ― José RizalNoli Me Tangere (Touch Me Not)


Nakakatuwang isipin na maraming kabataan ang pumila ng pagkahaba-haba sa launching ng bagong cover ng Noli Me Tangere. Gusto na naman kasi nilang baguhin ang cover nung libro dahil di na daw napapanahon yung ginawa ko noon. Sa bagay, pag hinawakan nga ang mga papel nun tiyak na mapupunit na.Hindi ko inaakalang ang ang ilang daang kopya ko ng mga libro noon ay bebenta ng ganito kadami kahit na lumipas na ang ilang hanggang ngayon. Mahilig ako sa libro kaya't di na talaga nakapagtataka na gusto ko ding gumawa ng sarili kong libro. Sa una ay naghain ako ng panukalang gumawa kami ng nobela ng ako'y nasa Madrid. Sumangayon naman sila sa mga nais kong mangyari subalit naisantabi ito kaya't di na ko makapaghintay gumawa na lang ako ng sarili kong nobela. Ito nga ang Noli Me Tangere na sinundan ng El Filibusterismo kung gusto niyo pang maraming malaman kahit na alam ko namang napag-aralan niyo na ito noong kayo'y nasa highschool pa ay subukan mo pa ring bisitahin ang Noli Me at El Fili sa blog ko. Malay niyo may matutunan kayong bago. Mulat na tayo sa kurapsyong nagaganap sa pamahalaan subalit wala pa rin naman tayong nagagawa pero kung patuloy tayong hihingi ng pagbabago kahit na parang walang nangyayari unti-unting namumulat din ang kaisipan ng iba at darating ang panahon na magiging sapat na ang dami natin upang mahiya ang mga may nakakataas na posisyon na wala namang nagawa maliban sa pahirapan lalo ang mga naghihirap.