Noli Me Tangere

/
0 Comments
“Hangad ang iyong kapakanan, at naghahanap ng pinakamainam na gamot, gagawin ko sa inyo ang ginagawa ng mga sinauna sa mga maysakit, ilalantad sila sa hagdan ng templo nang sa gayo’y lahat ng humingi ng tulong sa Diyos ay makapag-aalay ng lunas”
·         nais ilarawan ang mga suliranin ng Pilipino ng sa gayon ang makaaalam niyon ay makapagbigay ng kalutasan

·         pinaksa ang lubhang maseselang bagay (kanser ng lipunan) kung kaya’t ibinigay ang pamagat na nanganaghulugang “huwag mo akong salingin”


NOLI ME TANGERE
sinimulan sa Madrid noong 1884
natapos sa Alemanya noong 1886
nalimbag sa Berlin (Germany)
sa tulong ni Maximo Viola
- binigyan ng galley proof
inalis ang Kabanata XXIV
- Elias at Salome
may kabuuang 64 na kabanata
inihandog sa bayang Pilipinas
ipinadala ang mga unang sipi kina Blumentritt, Regidor, Jaena, Ponce, Hidalgo
nobelang romantiko
gawa mula sa puso
Kabanata 1: Bahay ni Kapitan Tiago
Pangunahing Tauhan: Crisostomo Ibarra
Tagapayo ni Ibarra sa Nobela: Pilosopo Tasio

Mga Tauhan:

Crisostomo Ibarra


Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.


Elias


Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago

Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.


Padre Damaso


Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.


Padre Salvi


Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria Clara


Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso


Pilosopo Tasyo


Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.


Sisa

Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.


Basilio at Crispin

Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.


Alperes

Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego


Donya Victorina

Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.


Donya Consolacion

Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.


Don Tiburcio de Espadaña

Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.


Linares

Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.


Don Filipo

Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang


Señor Nol Juan

Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.


Lucas

Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.


Tarsilo at Bruno

Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya IsabelHipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.


Donya Pia

Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. 


Iday, Sinang, Victoria,at Andeng

Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego


Kapitan-Heneral 

Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.


Don Rafael Ibarra

Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.


Don Saturnino

Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.


Mang Pablo

Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.


Kapitan Basilio

Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin


Tinyente Guevarra

Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.


Kapitana Maria

Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.


Padre Sibyla

Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.


Albino

Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.







credits to: PAGSUSURI NG 2 NOBELA.docx · version 1 by Mrs. Lianne Javier
                   http://www.joserizal.ph/no02.html


Walang komento: