MABUHAY!

/
0 Comments
Sa mga kapwa ko manunulat, sa mga readers, sa mga banyaga (foreigner), sa mga kababayan ko, lalong lalo na sa mga kabataan na nagbabasa ng isang unique blog na ito kaysa na magdota, maaring ang araw na ito ay maganda para sa inyo, o kahit hindi man, good day pa rin!


Alam ko namang pamilyar na kayo sa aking gwapong mukha. Maaring naikwento na ako sa inyo ng mga magulang ng magulang ng magulang ng magulang ng magulang ninyo, o naituro na ako ng propesor ninyo sa Rizal Course, kahit ano pa man yan, kahit sino pa iyang nagkwento sa inyo, gusto ko ring malaman ninyo lahat iyan mula sa akin.


Isipin niyo na lang na nagbakasyon ang prof niyo sa RC, at ako ang substitute niya, ang galing hindi ba? Kinekwento ko ang sarili kong buhay noong nabubuhay pa ako.


Malamang, may iba sa inyo na magtatanong kung bakit nakakapagblog pa ako kung patay na naman ako. E magpasalamat na lang kayo sa mga estudyanteng nagbigay buhay sa akin sa pamamagitan ng blog na ito.

Ngunit paano nga kaya kung buhay pa ako? Paano kung ito ang nangyari:

1. Nasa panahon parin tayo ng Espanyol. Ano? Isipin niyo. Kayong mga kalalakihan ay katipunero at kayong mga kababaihan ay naka baro't saya. Sa init ng panahon tignan ko kung kayanin pa ninyo ang init.

2. Niligtas tayo ng amerika at tayo ay kabilang sa kanilang estado. Matutuwa kayo hindi ba? Alam kong nais niyo maging maputi. At sa ngayong wika rin natin ang ingles aba napakagaling kung ganon hindi ba? Sosyal richkid.

Ang astig hindi ba? Parang ako lang. Lalo ninyong makikila ang poging si Rizal. Kaya naman sumubaybay lang kayo rito! Kilalanin niyo ko at hayaang niyong makilala ko rin kayo. Lets be friends!
                                                                                                                           Poging pogi,
                                                                                                                                      Pepe


You may also like

Walang komento: