Fave Foods

/
0 Comments



       Aha! Alam niyo ba kung ano ang mga paborito kong pagkain? Syempre, iyong masasarap.... Oops! Biro lamang. Sandali at ililista ko, huwag naman sana ninyo gayahin dahil sa idolo niyo ko o dahil kapag kinain niyo ay magbaka sakali rin kayo na maging gwapo, matalino at bayaning tulad ko. Asa pa kayo, nag-iisa lang ako. Pero maaaring magkaroon kayo ng kaunting bahid na gwapog Rizal kung gagawin ninyo.

      My Foods 101:

1. Para sa breakfast hilig ko ang Sardinas Secas. Oh, alam niyo ba iyon? Madalas ang tawag doon lalo dito sa ating inang bayan ay TUYO. Gusto ko rin ang suman at tsokolate o di naman kaya'y champorado!
                 

2. Nakahiligan ko rin ang Moueles a la Mariniene o mussels cooked in white wine sa ingles. Sa tagalog naman ay TAHONG! Sa France ko ito nagustuhan noong nag-aaral ako ng optalmolohiya. Napag-alaman ko rin na nakakaganda ito ng boses kaya naman sinubukan ko.
   

3. Mahilig din ako sa mga iba't-ibang klase ng pagkain, tulad ng simpleng kainan pero tiyak na masarap at mga european foods. Sobrang nasisiyahan ako kapag kumakain nito dahil madalas nagtitipid ako kaya hindi ganito ang nakakain ko.

4. May isa akong napakagustong prutas na talaga namang hinahanap hanap ko. Naaalala ko noong ipinatapon ako sa Dapitan, Zamboanga Del Norte ay talaga namang sa liham ko sa aking pamilya ay ipinaaalala ko na padalhan nila ako nito. Ang mangga ang paborito kong prutas dahil sa tamis ng katas nito. 

5. Marahil marami sa inyo ay hindi ito talaga nalalaman. Isa sa naging paborito kong pagkain ay ang pancit. Ito ang nakasanayan naming kainin ng mga kaibigan ko noon sa Madrid habang nag-aaral. Kung nagtataka kayo kung bakit noong panahong iyon meron na, aba! oo naman noong 19th century ay nakabibili na ko ng sotanghon at bihon. Kadalasan ay tinitipid ko ang pagkain ng pancit, umaabot pa nga sa puntong sa isang araw ay ito lang ang aking kinakain. Syempre para makatipid sa panggastos.







You may also like

Walang komento: