Unibersidad ng Santo Tomas

/
0 Comments
UST Now

Alam naman ng lahat ng nakapag-aral at nag-aaral ng aking buhay, na dati'y pumapasok ako sa UST. Ang UST sa kapanahunan ko ay matatagpuan pa sa Intramuros, kakaunti lamang ang mga gusali. Ang UST naman ngayon ay matatagpuan sa Sampalok, Manila at heto ang aking mga napuna.

Noong makaraan ay nagpasya akong pumunta kung saan makikita ang UST ngayon. Sa aking pagdalaw napakarami nang nagbago dito, unang una ay ang lugar syempre. Sunod ay ang mga estudyante, ibang iba sila sa mga naaalala ko, noong ako'y nagaaral dito sa UST. Pano naman ang mga guro? Noon ang mga nagtuturo sa amin ay mga paring Dominiko pero ngayon sa aking mga nakita ang mga propesor ay mga Pilipino rin. Doon palang, malaki na ang nagbago. Napansin ko rin noon pumasok ako ay yung hagdan. Kung tama ang aking memorya, hiwalay ang hagdan ng kalalakiha sa kababaihan pero nagyon kahit saan nalang sila umaakyat at bumababa. 

Sa pagdalaw kong iyon, yan lang ang aking mga napansin. Alam kong marami pa ang akong mas mahalagang mapapansin kung baka sakaling bumisita muli ako sa UST. 

Paumanhin dahil matagal-tagal din ako noong huli kong naibahagi ang aking nasa isipan. Hindi ko rin alam kung kailan muli akong makakapaga post dito sa aking blog. Maghintay lang kayo. 

Hanggang sa susunod!

UST Then


You may also like

Walang komento: