Random Things About Me

/
0 Comments
Magandang araw, munting panauhin! Hinding hindi ko sasayangin ang oras mo, dahil bukod sa mga bagay na malalaman mo, syempre maeentertain din kita sa paraang kaaya aya. Una, alam mo ba ang tunay kong pangalan? Nako! Medyo mahaba ha? Kung hindi ka gaanong pamilyar, eto iyon, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Oh diba! Pangalan pa lang ulam na! Pero there's more! Alam mo ba kung kelan ako ipinanganak? Syempre halos lahat kayo hindi niyo alam, e kasi, pagkamatay ko ba naman ang pinagtutuunan masyado ng pansin! June 19, 1861. Iyan ang petsa kung kelan nabuhay ang gwapo at matipunong katulad ko. Ito ang invitation noong ika 150th ko.


Ang gwapo ko, hindi ba? Dumako naman tayo ngayon sa mga propesyon ko. Alam niyo naman sigurong doktor ako, ano? Malamang, nakakabit na yan sa pangalan ko eh. Doktor sa mata talaga ang aking kinuhang pangalawang kurso, ngunit kalaunan ay kung anu anong sakit ang natutunan kong gamutin. Pero bukod diyan, alam niyo na rin siguro na isa akong manunulat, at mahal ko ang propesyon na iyan. Ilan sa mga nobela ko e natalakay niyo sa Filipino subjects niyo noong high school, hindi ba? Maaring natutulog kayo noon, dahil oo nga naman, anong gamit non sa kinabukasan niyo? Hay nako mga kabataan, napakahahalagang akda ng Noli at El Fili. Hindi lamang niyan bubuksan ang mata niyo sa mga nangyari noong araw, ngunit ihahanda rin kayo sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa hinaharap.


Oo, mahirap magaral, maraming pagdadaanan, maraming poproblemahin. Ngunit ang saya na mararamdaman mo pag nakapagtapos ka, it's beyond words. Kaya't pagbutihin niyo, ha? Para sa bayan!!


You may also like

Walang komento: