Aking Babes

/
0 Comments




           Nais kong makilala ninyo ang mga kababaihang bumihag sa aking puso. Alam kong alam niyo na gwapo ako kaya naman huwag na kayong magtaka kung bakit madami ang aking babanggitin. Alam niyo mga kabataan, kahit na marami ang makilala niyang kababaihan. Gaano man iyan karami wag kayong magmadali darating rin ang nararapat para sa inyo. Magpakasaya muna kayo pero hindi paglaruan ang mga babae ha? Tumulad kayo sa akin! Gwapo at maginoo.

     Si Segunda Katigbak ang unang babaeng nagpatibok ng aking natutulog na puso. Kaibigan siya ng aking kapatid na si Olimpia. Sa kanyang ngit ikaw ay tiyak na mabibighani. Taga Lipa, Batangas at mag-aaral noon sa La Concordia. Hindi nagtagal ang aming pagiibigan dahil sa siya rin ay itinakdang ikasal kay Manuel Luz.
 
  Kilala niyo ba ang aking inirog na si Binibining L? Siguro oo, pero hindi ang tunay niyang pagkatao. Higit siyang mas matanda sa akin. Sabi ay ang gurong si Jacinta Ybardo Laza pero wala akong sasabihin dahil sikreto kong malupit iyon. Taga Pakil, Laguna siya mga kaibigan nahapin niyo nalang.

     At dahil gwapo ako inibig din ako ng aking kapitbahay sa intramuros, si Leonor Valenzuela o kilala rin bilang si Orang. Noon ay sumulat ako sa kanya gamit ang napakaespesyal na istilo. Gumamit ako sa tintang may asin at tubig sa pagsulat kaya hindi iyon mababasa hanggat hindi dinadaan sa apoy. Subukan niyong gawin sa mga iniirog niyo baka sakaling makapuntos kayo!

     Ang aking tunay na pag-ibig ay si Leonor Rivera o Taimis siya ang babaeng labis labis kong minamahal na kahit nasa malayo ako siya pa rin ang aking iniisip. Mula siya sa Camiling, Tarlac anak ni Antonio Rivera ang may-ari ng inuupahan ko sa Casa Tomasiana. Mag-aaral din siya sa La Concordia. Labis ko siyang minahal at naging dahilan rin siya ng mga malalaking desisyon na ginawa ko sa aking buhay.

     Si A la Señorita C.O.Y.P kilala niyo ba? Sana hindi, dahil iyan ay tituo ng tulang ginawa ko para sa kanya, para kay Consuelo Ortega Y Perez na anak ni Don Pablo Ortega Y Rey isang liberal na Espanyol. Hindi kami nagkatuluyan at ikinasal siya kay Eduardo De Lete.

     May nakilala rin ako na binibini sa Japan habang nanunuluyan ako roon. Si Seiko Usui o kilala rin ninyo bilang si O-Sei-San marunong siyang mag Ingles at Pranses kaya naman hindi ako nahirapan sa pakikipagkomunikasyon sa kanya. Madali siyang pakisamahan kaya nabigyani niya ang aking puso.

     May inirog ako na ginawanng eskultura, si Gertrude Beckett isang anak g may-ari ng inuupahan ko sa Primrose Hill. Hindi ko pinataga ang pagsasama namin dahil ayokong mapalapit ng husto sa kanya natatakot ako sa kung anong pwedeng kahantungan kung itutuloy ko ito.
 
     Sa isa pang inupahan kong tutuluyan ay nakilala ko ang pamangkin ng tagapangasiwa nito. Ililihim ko na lamang kung sinong Suzanne iyon. Kinilig ako noong sinabihan niya o ng "little bad boy" ngunit kinwestyon ko rin kung bakit little labis iyong nakalulunkot na sabihin ng iyong napupusuan na ikaw maliit.

     Sa huli ay nakilala ko si Josephine Bracken isang Irlandes na 18 tang gulang. Nakilala ko siya dahil nagtungo siya sa aking klinika para ipagamot ang kanyang Ama na si Taufer na may sakit sa mata. Mula sila sa Hong kong. Nag-kamabutihan kami at nagpasyang magpakasal ngunit labis kong ikinagalit na hindi kami pinayagan dahil sa ako raw ay isang mason. Peeo hindi inyon naging hadlang para sa aming pag-iibigan nagbunga ang aming pagmamahalan ng isang lalaki na si Franciso ngunit agad binawian ng buhay dahil sa ito ay kulang sa biwan. Matapos ito ay nagpaalam ako sa kaniya dahil ako ay lilisan na patungong Cuba.

Ngayon ay nakilala niyo na ang mga babaeng ikinahumalingan ko. Tandaan ninyo ang payo ko maging gwapo at maginoo. Hanggang sa uli! Adios!


You may also like

Walang komento: