The First Woman

/
0 Comments
Painting of "Julia"


Magtataka ba kayo kung sasabihin kong hindi si Segunda Katigbak ang una kong pag-ibig? Kung pagbabasehan natin ang iba't ibang mga historyador na nag-aaral sa aking buhay ay sadyang malimit na mabanggit ang dilag na ito. Baka naman panaginip ko lang? Ang alam ko kasi malimit na gumagana ang etong imagination ko nung mga panahong nagbibinata pa lang ako. Mga 15-16 years old pa lamang ako ng makita ko ang mukha niya nasa Los Baños, Laguna ako nun malapit sa may ilog. Mas bata siya siguro ng 1 year at nung nakita ko yung mukha niya, naramdaman ko na yung "Sparks". Ang natatandaan ko may hinahabol siyang paru-paro na gusto niyang hulihin kaya ako yung gumawa ng paraan para makahuli di lang ng isa syempre dalawa na. Masaya siya nung binigay ko yung dalawang paru-parong nahuli ko. Hindi naman siya kagandahan pero nabihag niya ang puso ko siguro noong mga panahong iyon iba pa ang standards ko di pa ganun kataas kasi nga bata pa naman ako. Pero naniniwala ako sa "Simpleng Ganda" yung di na kailangang maglagay ng kolorete sa mukha, yung mahinhin pero masaya kasama. Kaya sa mga babaeng nagbabasa dyan, di niyo na kailangan pang magmaganda o magpaganda ng sobra basta simple ka lang at mabait siguradong ayos na. Di ko na nga matandaan kung ano ang apelyido niya basta ang alam ko minsan siyang dumating at nagpasaya sa akin.



kung nais niyo pang alamin ang tungkol sa babaeng ito ay bumisita kayo dito: 






You may also like

Walang komento: