Ang Aking Pinagmulan

/
0 Comments
Ang nais kong ibahagi sainyo ay tungkol sa aming pamilya. Una ay ipakikilala ko muna sainyo ang aking mga magulang. Ang aking ama ay si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandra II, ang haba din ng pangalan niya diba? Siya ay isang magsasaka ng tubo at katiwala ng malawak na lupain. Si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos naman ang aking ina. Siya ang sumubaybay sa aking panimulang edukasyon. Tinuruan niya akong magbasa, magdasal at magrosaryo. Ang aking pamilya ay nakatira sa kongkretong bahay na may malawak na hardin, pribadong aklatan, kung saan matatagpuan ang daan-daang koleksiyon ng aklat. Hinikayat ako ng aking mga magulang na magbasa kaya ako'y nagkahilig sa pag-aaral at pagkatuto. Ako ay siyam na taong gulang noong dalhin ako ng aking ama sa Biñan, Laguna upang ipagpatuloy ang aking pormal na pag-aaral. Hindi maganda ang aking karanasan sa paaralang iyon dahil ako ay nakatanggap ng palo mula sa aking guro na may istriktong pamamaraan ng pagtuturo. Sa kabila ng aking pagiging mabuting bata, bihira ang araw na hindi napapalo ang aking mga palad. Ayaw ko nang ganoong pagtuturo sapagkat hindi maganda ang epekto ng ganoong paraan sa asal at isipan ng mga bata dahil imposible ang ang makapag-isip nang maayos sa harap ng patpat na pamalo at latigo at ito ay nabanggit ko sa aking nobelang Noli Me Tangere. 


Nais ko namang ibahagi sainyo ang tungkol sa aking mga kapatid. Labing isa kaming magkakapatid. Ang panganay ay si Saturnina Rizal, siya ay ipinanganak noong 1850 at ang kanyang palayaw ay Neneg. Tinulungan niya ako kasama ng aking ina para ako'y makapag-aral at siya rin ang tumayong pangalawang ina ko noong nakulong ang aming ina. 

Ang pangalawa ay si Paciano Rizal, siya ay ipinanganak noong Marso 9, 1851 sa Calamba, Laguna. Inalagaan niya ako at tinulungan upang makarating sa Europa. Habang ako ay nasa Europa, pinadalhan niya ako ng pensiyon at sinulatan niya ako para mabalitaan ko ang tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa aming pamilya. Nag-aral siya sa Colegio de San Jose sa Maynila at naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos. 

Ang pangatlo ay ang pinakamatulungin naming kapatid na si Narcisa Rizal, siya ay may palayaw na Sisa. Tinulungan niya rin ako sa aking pag-aaral sa Europa sa pamamagitan nang pagsanla ng kanyang mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan ang aking pag-aaral. Halos lahat ng aking mga tulat at aking mga isinulat ay kanyan naisaulo. 

Si Olympia ang ika-apat saaming magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887.

Ang kahati ko sa aking mga paghihirap ay ang panglima saamin na si Lucia Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. 

Si Maria Rizal ang pang-anim sa amin. Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Biñan, Laguna. Si Maria ang aking kinausap noong panahon na gusto ko nang pakasalan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.

At hulaan niyo kung sino ang pangpito... Syempre sino pa ba edi ako! Nalaman niyo naman na ang tungkol sa akin sa aking ibang post dito sa aking blog. Kaya ipakikilala ko na sainyo ang sumunod sa akin.

Ang pangwalo ay ang dahilan nang aking unang pagdadalamhati. Siya ay binansagan naming "Concha". Si Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at siya ay namatay sa eded lamang na tatlong taon. Nakakalungkot 'di ba? Siya ang aking paborito at lagi ko siyang kinekwentuhan nung siya ay nabubuhay pa. Nang siya ay namatay ay ako'y umiyak nang umiyak. 

Si Josefa Rizal naman ang ika-9 na anak sa aming pamilya. Siya ay isinilang noong taong 1865. Siya ay kilala bilang "Panggoy". Noong ako ay nasa Europa, ako ay nagsusulat ng mga mensahe. Sinulatan ko si Josefa na ang laman ay pagpupuri ko sakanya dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles.

Ang katiwala sa aking pinakasikat na tula ay si Trinidad Rizal, siya ang ika-10 sa amin. Ang palayaw niya ay Trining at siya ang tagapagtago at tagapamahala ng pinakahuli at pinakatanyag na tula ko. Dati ay sumulat ako sakanya tungkol sa mga babaeng masisipag mag-aral sa Alemanya. Pinayuhan ko si Trining na habang bata pa siya ay dapat magbasa nang magbasa ng buong puso. Pinangaralan ko din siya na huwag hayaang ang katamaran ang mamayani dahil napuna ko na wala sa loob niya ang pag-aaral. Sinabi ko sakannya na kaunting tiyaga lamang at siya ay magtatagumpay. 

Ang bunso sa aming pamilya y si Soledad Rizal. Ipinanganak noong 1870. Siya rin ay kilala bilang Choleng. Ako ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinaka-edukado sa aming magkakapatid. Sinabihan ko siya na dapat siya ay isang maging magandang huwaran para sa mga tao. 




You may also like

Walang komento: