Lindol sa Nepal

/
0 Comments
   

        Sino nga ba ang hindi magugulantang kung ang payapa mong pamumuhay ay bigla na lamang sisirain ng hindi mo namamalayan? Sinong hindi magdadalamhati kung ang kapamilya mong kasama mo lang kanina ay bigla na lamang kukunin dahil sa matrahedyang pangyayari na kahit ikaw ay hindi mo malaman kung bakit ito karapat dapat na mangyari? Paano ka magpapatuloy ng pamumuhay? Paano ka magsisimulang bumangon? Kung ang nasa paligid mo ay lugmok dahil sa malagim na pangyayari.

        Iyan ang mga bumabagabag sa aking isipan matapos kong mabalitaan ang trahedya sa Kathmandu, Nepal nitong nakaraang Abril 25, 2015 na sa mabilis na kaganapan ay kumitil ng mahigit dalawang libong katao. Sino nga ba ang hindi mayayanig sa 7.8 magnitude na lindol lalo na kung hindi manlang ito napaghandaan. Isama mo pa ang labing limang aftershocks na may kabilang na lakas na 6.6 at 5.5 at pagkakatoon ng alavanche ng Mount Everest.
 

      Tatlong larawan lamang iyan pero makikita mo ang karumal dumal na sinapit ng mga naninirahan doon. Paano kung sa atin mangyari ang kaganapang iyan? Paano tayo babangon? Paano natin haharapin ang kinabukasan kung palarin man? Mga kaibigan hindi man natin sila mabigyan ng materyal na bagay, o bagay na agagamit nila para mabuhay. Kaya natin silang ipaubaya sa panginoon. Kailangan nila ng kanyang tulong at gabay para makabangon muli. Kaya naman tulong tulong nating ipagdasal ang paghilom ng sugat pisikal o emosyonal. Ipagdasal natin na bigyan sila ng lakas para ipagpatuloy ang kanilang buhay. Marahil marami sa kanila ang nahihirapng tanggapin ang ganitong pangyayari kayat tulungan natin sa pamamagitan ng pagpapasa Diiyos ng kanilang kaligtasan. 


You may also like

Walang komento: