Isyung Mary Jane Veloso

/
0 Comments
Siguro naman alam ng lahat o narinig man lang ang isyu ngayon patungkol sa pagbibitay kay Mary Jane Veloso kasama ang ilan pang preso sa Indonesia dahil sa drug trafficking. Ayon sa aking pasasaliksik ang parusang ito ay inihain noon pang Oktubre 2010 at lahat ng kaniyang mga apela ay hindi tinanggap ng pamahalaan ng Indonesia.

Meron tayong dalawang puntong pwedeng tignan. Una ay alam nya na may ipinagbabawal na droga siyang dala at ang pangalawa ay siya'y na set-up lamang. Sa aking nakikita hindi malabong mangyari ang una dahil alam ng lahat kung gaano na kahirap ang buhay dito sa ating bayan. Hindi basta basta nakakakuha ng maayos na trabaho na may sapat na kita para sa ikabubuhay ng pamilya. Pero hindi rin natin pwede ipasantabi ang pangalawa dahil sa statement nyang hindi nya alam na merong nakatahing pakete ng heroin sa damit na kanyang suot na galing sa kabigan ni Ms. Sergio (ang nakapilit sa kanya na magtrabaho sa ibang bansa bilang maid). Kung gayon hindi ko inaakalang gagawin ng kababayan natin ang ganitong bagay. Sumulat din sya sa kasalukuyang namumuno ng ating bayan na si, ayon sa aking pakakalam, Pangulong Benigno Aquino. Sa ngayon ang parusang ito ay, nilinaw ng Prime Minister ng Indonesia, hindi kinansela ay kundi pinospone lang.

Sana ay gawan ng paraan ng kasalukuyang pamahalaan ng ating bayan ang isyung ito. At ipakita ang pagmamahal sa ating mga kababayan.

Hindi ito ang klase ng mga Pilipino na ipinaglaban ko noon. Malaki ang aking inaasahan sa inyo.





You may also like

Walang komento: