Tekken 7 Controversy

/
0 Comments
May ilang araw nang nakalipas, nagbabasa ako ng iba't-ibang artikulo sa internet at meron akong nakitang nakakuha ng aking atensyon. Ito ay ang tungkol sa karakter na si Josie Rizal. 


Ayon sa aking nabasang artikulo, si Josie Rizal ay isang karakter mula sa laro ngayong henerasyong tinatawag na Tekken. Nang ako'y masaliksik kung ano ang larong ito, ang Tekken daw ay isang laro na nagmula sa bansang Hapon. Ito ay isang "combat tournament" na nagtatampok ng iba't-ibang mga karakter na ibinase sa kultura ng iba't-ibang bansa.

Ang pangalang Josie Rizal daw ay ibinase sa aking ngalan na Jose Rizal. Ang galing hindi ba? Sabi ng gumawa sa kaniya, siya raw ay galing sa Pilipinas at ang gamit niyang matial art ay eskrima at kickboxing. Ang kulay ng kaniyang damit naman ay base daw sa kulay ng ating watawat.

Sa aking mga sumunod na pagsasaliksik, may mga balita namang nagsasabi na dahil daw sa isang organisayon ngayon dito sa ating bayan (NCCA) ay tatangalin daw siya sa larong ito sa kadahilanang ginagamit daw nito ang aking pangalan.

Para sa akin hindi ito dapat gawing isyu. Pwede natin itong tignan sa ibang paraan na kung saan ay mapakikinabangan ng ating bayan. Malay natin maging kilala ang eskrima dahil dito. Ang tanging masasabi ko sa mga bumabatikos dito ay huwag na itong pansinin dahil, sa nakikita ko, mas marami pang ibang masmahalagang problema ang kinakaharap ng ating bayan na maskinakailangan ng pansin tulad ng isyu tungkol sa pagkuha ng bansang Tsina sa ilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. Ang mga isyung tulad nito ang mas may kailangan ng pansin hindi lang ng gobyerno pati na rin ng buong sambayanang Pilipino.


You may also like

Walang komento: