Bayaning Tunay

/
0 Comments
Mahirap gampanan ang pagiging isang bayani.  Marami silang sinasaliksik sa buhay ko, oo hanggang ngayon ay may nananaliksik pa rin tungkol sa mga totoong kaganapan sa buhay ko. Ngunit napaka sarap sa pakiramdam ang matawag na isang bayani dahil sa pagtatanggol ko sa aking inang bayan, ang Pilipinas.

Ako, bilang si Jose Rizal na bayani, alam kong marami akong nagawa para sa bayan. Masaya akong naglingkod, at masaya akong may mga kabataang tumatahak ng landas ko. Ngunit para sa akin, mga munting kaibigan, kung tutularan niyo ako, tularan niyo ako sa ibang paraan. Gumawa kayo ng sarili niyong paraan para maipakita ang pagmamahal sa bansa upang umunlad ito.

Ngunit bakit nga ba patuloy ang pag lugmok ng ekonomiya natin? Alam ko, bata. Ito ay dahil sa mga taong nasa posisyon ngunit ginagamit ang kanilang power para sa pangungurakot. At kaya sila nangungurakot ay dahil sa kulang na pagmamahal sa Pilipinas. Ang tanging minamahal nila ay ang sarili at mga luho nila. Sila na dapat na unang unang maging bayani ng sariling bayan, sila ang kulang sa pagtangkilik sa sariling produkto.

Oo, hindi ang Amerikano ang may kasalanan, hindi ang mga Tsino, hindi ang mga Hapon, at lalo't higit hindi dahil sa pagsakop sa atin ng Espanya sa napakatagal na panahon. Ngunit ito ay dahil sa atin mismo. Sa ating mga Pilipino. Hindi sa nilalahat ko, pero ang nais ko lang naman ay mabuksan ang inyong mga mata lalung lalo na ang inyong mga puso sa pagmamahal ng totoo sa Perlas ng Silangan.

Sa inyo, mga avid readers ko, sana naman ay mahalin niyo ang bansa ng sapat. Upang hindi ito makurakot. Upang hindi tayo makurakot. Upang hindi tayo mangurakot.

Hanggang sa muli, kaibigan. Paalam.


You may also like

Walang komento: